1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

            - Ang sentral na paksa ng sanaysay ay kung ano ang buhay ng pagiging mahirap at ang buhay ng pagiging mayaman.

 

2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.

            - Oo, “ang mga mahihirap ay ‘di kalian man makakatira sa lugar ng mga mayayaman, pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gustuhin".

 

3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag

            - Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa ay ang ipakita ang hindi kayang gawin ng mahirap at ang kayang gawin ng mayaman tulad ng nakasulat na ang mahirap di kayang makatira sa lugar ng mayayaman at ang mayaman ay kayang makatira sa lugar ng mahihirap, at ano ang kayang bilhin ng mayaman na hindi kaya ng mahirap.

 

4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

            - Ang ideyang sinang-ayunan ko ay “kaya ng mayaman na tumira sa lugar ng mahihirap” dahil ang mayayaman kaya nilang gawin lahat dahil sila ay nakaka-angat sa lipunan. Ang hindi ko naman sinang-ayunan ay ang taong mahirap doon sa akda ay kinukumpara niya ang kanilang kalagayan sa estado ng buhay ng mayaman na para bang kasalanan pa ng mayaman na di kayang bilhin ng mahirap ang mga bagay na wala sa kanila.

 

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

            - Maiugnay ko ang sarili ko sa kwento dahil dito sa aming lugar may mga mayaman at mahirap, may kilala akong isang bata na galing sa mahirap na pamilya, habang siya ay nakatitig sa konkreto at makulay na bahay nakita ko sa kanyang mga mata ang inggit dahil sa kadahilanan na hindi ko alam, siguro pangarap niyang makatira sa maayos na tahanan na walang tulo kapag umuulan, naawa ako sa batang iyon dahil nung pumunta ako sa Jollibee nakita ko siya sa labas na nanlilimos habang suot ang maruming damit at marumi ang paa.

 

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

            - Mahalaga ito para malaman ng mga tao kung gaano kaawa-awa ang mga naninirihan sa iskwater at para sila ay maabutan ng tulong. Hindi nagbago ang pananaw ko sa kanila dahil nung bata palang ako napapanood ko na sa balita ang mga iskwater na binabaklas ng mga otoridad ang kanilang tahanan.

 

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

            - Maiugnay ito dahil ito mismo ang realidad ng lipunan na nangyari, nangyayari at mangyayari pa dahilan ng kahirapan.





MUNGKAHING GAWAIN

1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.





Comments